Lunes, Hunyo 27, 2011

Pangit.

Bago ka maglabas ng ganitong statement sa kahit sino. Kung pangit siya, ang ibig sabihin hindi siya maganda. 
Eh ano ba ang ibig sabihin ng maganda? Kapag maganda ba:
  • Matangos ang ilong? Eh bakit may mga model at artistang kahit hindi katangusan ang ilong ay maganda pa rin. 
  • Maputi? Eh bakit si Tyra Banks, Venus Raj o ibang mga di kaputiang artista ay magaganda pa rin. Bakit yung ibang mapuputi at nagpapaitim pa rin o nagpapa tan pa. 
  • Maganda ang ngipin? Eh bakit yung ibang kahit maayos ang ngipin ay nagpapa retainers o braces pa rin? 
  • Matangkad? Eh bakit halos karamihan ng mga Filipino artist ay hindi naman katangkaran? 
  • Payat? Eh bakit may mga artistang kahit tumatalbong ang katabaan eh, namumukadkad pa rin ang kagandahan.
Ayan, bago niyo sabihan ang isang tao ng pangit, isipin niyo muna iyan. Kasi hindi lang ikaw ang nakakita sa kanya at hindi lahat ng tao pare parehas ang pananaw sa salitang “maganda”.
Tandaan niyo “Beauty is in the eye of the Beholder.”

how to tell if someone’s lying.

If you’re asking him/her something. Look at his/her eyes. Check if it turns to the LEFT SIDE. If it is. Well, he/she must be LYING. 

Why? 

Cause, it means he/she’s using the right part of the brain, which is the “creative side.
You might be asking why it’s the right part that’s working when it’s the left side that moves. Hmm, our left side of the body is controlled by the right side of our brain, and vice versa. 

Presence.

Actually, alam naman natin na sobrang dami na ang nabubuong love affair over the netUna, kasi nga sikat at uso ang internet, hindi mo kailangang mag-ayos para masiguradong okay ang magiging itsura mo.. kumbaga hindi mo na kailangan pang intindihin kung ano ba ang magiging hulma ng expresyon mo.Pangalawa, napakadaling magsinungaling, madalas nga nakakapag two-time pa kasi nga naman daw “hindi naman malalaman”. At Pangatlo, kahit aminin man o hindi, “for kilig purposes” lang kung minsan.

May mga taong nabubuo ang relasyon online pero nagtatagumpay naman. Sila yung mga lovers na tinawid ang daga’t lupa makarating lang sa kinaroroonan ng kanilang minamahal. Hindi nila ininda ang kahit anumang dahilan para lang maiparamdam ang kanilang presensya sa taong iniibig nila. 

Oo, napakaimportanteng elemento ng presence sa isang relasyon. Minsan kasi mas nalalaman mo sa sarili mo na totoo nga ang pagmamahalan niyo at hindi lang isang lokohan o online love story na kailangang magkaroon ng ending sa huli. Tandaan niyo na ibang iba ang nagiging tingin o resulta ng isang bagay kapag ito ay ginawa ng Personal. 

Sana naman, gamitin lang natin ang internet bilang bridge of communication at hindi para maging daan para maipakita mo ang pagmamahal niyo. 

Heartbreaks.

I’ve had a lot of heartbreaks. 

Kahit na iilan lang ang naging boyfriend ko. Ang dami dami ko ng heartbreaks. Kasi hindi lang naman sa lalaki umiikot ang mundo ko, I mean, marami kasi akong gusto sa buhay. Marami akong hilig. Mahirap man isipin pero ako yung tipo ng taong mahirap makuntento, gusto ko pa rin ng kahit ano, kahit na alam kong meron na ako. 

Mapapansin niyo naman iyon sa mga post ko diba? Paiba-iba ako minsan. 

Isa yan sa dahilan kung bakit hindi ko mai-blog ang lovelife ko, hindi kasi ako masyadong “inclined” sa bagay na iyan, sabi ko nga kaya kong maging “matandang dalaga”, HINDI NGA LANG PWEDE. Kasi gusto ko ring tuparin ang pangarap sa akin ng mga magulang ko. Pag ako nagkaroon ng relasyon, tinatanggap ko naman siya ng buong-buo, yun nga lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin nagiging priority ang lovelife. Mas gusto ko pa rin ng ibang bagay. 

Random Fact: Kadalasan, nagiging kaagaw ng mga manliligaw o karelasyon ko ang kahiligan ko sa art.

Random Fact #2: Hindi ako tibo/tomboy/lesbi o kung anupamangtawagniyo. Sadya lang na hindi ko pa makita ang sarili kong mainlove. Siguro nga di ko pa nararanasan iyon. 

Random Fact #3: Nahahalata niyo minsan na magaling akong magbigay ng love advices. Sa totoo lang, hindi lahat yun sa akin nangggaling. Mahilig kasi akong makinig sa mga kwento kwento, o mahilig akong makipagkwentuhan sa matatanda, yung mga eksperiyensado na sa buhay. Mas gusto kong makinig sa lovelife ng iba. Kesa pagkwentuhan ang sarili kong lovelife. Minsan, hinuhugot ko ang mga advice nila sa akin para mai-share sa inyo. 

Random Fact #4: Ang Awkward. Tama na, Di talaga ako sanaya pag-usapan yung mga ganito. -The End-

Nurses.

Yung batch ko halos 1000+ kaming mga nag-enroll. Pero, yung ngayong batch, halos iilan nalang, sa school nga namin, nasa 100+ nalang ang nag enroll. Kung dati inaabot ng sampung section o madami pa, ngayon tatlong section nalang. 

Bakit nga ba? Hindi ko na siguro kailangan pang isa-isahin ang dahilan kung bakit nagkaganito ang propesyon namin. 
Maraming na ngang “bum” na Registered Nurses ngayon, what more kung BSN Graduate lang. Sa panahon ngayon, hindi kaila ang pagka-down ng course namin. Noon, pag sinabing Nurse ka, parang “wow”, pero ngayon, “ay, may trabaho pa ba?”

Kung ako ang tatanungin, MERON PA. AT HINDING HINDI MAWAWALAN. 

Tandaan sana natin:

“Our world needs care. And there isn’t anyone who can give the same motherly touch than a Nurse.” 
Hindi naman panghabambuhay ang kawalan ng trabaho. Ang Nurse, kahit saan pwede. Sa lahat ng institusyon meron at meron kang makikitang Nurse.
Nurses, wag tayong mawalan ng pag-asa. Umiikot ang mundo. And hindi naman natin kinuha ang propesyong ito para lang maging hanapbuhay, hindi ba’t kinuha natin ito para magbigay at magdugtong ng buhay? 

So, Cheer up!

Awkward.

Mag-asawa ka na lang maaga.

Yan yung palaging advice sa kaibigan ko kasi medyo hindi kagandahan sa panrinig ang apelyido niya. As in, awkward para sa isang babae na magkaroon ng ganoong surname. Pero hanga pa rin ako sa kanya kasi na-handle niya hanggang ngayon yung “awkwardness” na yun. 

Ano ba kasi ang pangalan niya? 

Siya ay si Catherine Bayag.

Introduction.

Hello sa inyo. Oo galing ako a tumblr. Maari nyo kong makita roon. Ito ang aking URL (http://imanurse.tk). 
Hindi ko alam kung bakit ako napadpad rito. Siguro madaldal rin ang utak ko at gusto kong magsulat ng magsulat sa isang lugar kung saan alam kong marami ang nagbabasa. Bago pa lang ako dito kaya hindi ko pa alam ang mga pasikot sikot sa blog site na ito.

Pwes, ito ang mga mumunting detalye tungkol sa akin:


1. When I was on my grade school I rarely speak for I am too shy I might spill the idea of what I want to say. My relatives always teased me “Baka mapanis ang laway mo.” I am the type of girl who just sit and stare at all the things they do. When I am asked I speak. At school, when I know the answer, still, I don’t have the courage to raise my hand. Yes, I am that timid. But then, I overcome it when I stepped in high school. I became more active and finally decided to be more active and talkative. I also participated in family reunions and sing once in a while in some occasions. 
2. I have this guilt over doing something bad. Like, when tapping my mouth just after I say rude things or saying “sorry, forgive me” many many many times after making someone sad because of my decisions.
3. I had my first kiss when I was 17. It happened lamely.
4. I hate cleaning the bathroom. Idk, but I think I’d rather do something else like wash the dishes 24/7 than hold an eskoba and kuskos the CR.
5. I am poor at conversations. I always end up in an awkward moment when I try to start one. I am always the listener on  a conversation. I don’t easily disclose information about myself but I love to share things.
6. When I am into something, I make sure and do my best just to attain that something
7. I love chocolates. I love sweet things. Hmmm, do I need to explain further? 
8. I am an instant singing sensation when I am taking a bath. Hihi.