Lunes, Hunyo 27, 2011

Nurses.

Yung batch ko halos 1000+ kaming mga nag-enroll. Pero, yung ngayong batch, halos iilan nalang, sa school nga namin, nasa 100+ nalang ang nag enroll. Kung dati inaabot ng sampung section o madami pa, ngayon tatlong section nalang. 

Bakit nga ba? Hindi ko na siguro kailangan pang isa-isahin ang dahilan kung bakit nagkaganito ang propesyon namin. 
Maraming na ngang “bum” na Registered Nurses ngayon, what more kung BSN Graduate lang. Sa panahon ngayon, hindi kaila ang pagka-down ng course namin. Noon, pag sinabing Nurse ka, parang “wow”, pero ngayon, “ay, may trabaho pa ba?”

Kung ako ang tatanungin, MERON PA. AT HINDING HINDI MAWAWALAN. 

Tandaan sana natin:

“Our world needs care. And there isn’t anyone who can give the same motherly touch than a Nurse.” 
Hindi naman panghabambuhay ang kawalan ng trabaho. Ang Nurse, kahit saan pwede. Sa lahat ng institusyon meron at meron kang makikitang Nurse.
Nurses, wag tayong mawalan ng pag-asa. Umiikot ang mundo. And hindi naman natin kinuha ang propesyong ito para lang maging hanapbuhay, hindi ba’t kinuha natin ito para magbigay at magdugtong ng buhay? 

So, Cheer up!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento