Lunes, Hunyo 27, 2011

Heartbreaks.

I’ve had a lot of heartbreaks. 

Kahit na iilan lang ang naging boyfriend ko. Ang dami dami ko ng heartbreaks. Kasi hindi lang naman sa lalaki umiikot ang mundo ko, I mean, marami kasi akong gusto sa buhay. Marami akong hilig. Mahirap man isipin pero ako yung tipo ng taong mahirap makuntento, gusto ko pa rin ng kahit ano, kahit na alam kong meron na ako. 

Mapapansin niyo naman iyon sa mga post ko diba? Paiba-iba ako minsan. 

Isa yan sa dahilan kung bakit hindi ko mai-blog ang lovelife ko, hindi kasi ako masyadong “inclined” sa bagay na iyan, sabi ko nga kaya kong maging “matandang dalaga”, HINDI NGA LANG PWEDE. Kasi gusto ko ring tuparin ang pangarap sa akin ng mga magulang ko. Pag ako nagkaroon ng relasyon, tinatanggap ko naman siya ng buong-buo, yun nga lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin nagiging priority ang lovelife. Mas gusto ko pa rin ng ibang bagay. 

Random Fact: Kadalasan, nagiging kaagaw ng mga manliligaw o karelasyon ko ang kahiligan ko sa art.

Random Fact #2: Hindi ako tibo/tomboy/lesbi o kung anupamangtawagniyo. Sadya lang na hindi ko pa makita ang sarili kong mainlove. Siguro nga di ko pa nararanasan iyon. 

Random Fact #3: Nahahalata niyo minsan na magaling akong magbigay ng love advices. Sa totoo lang, hindi lahat yun sa akin nangggaling. Mahilig kasi akong makinig sa mga kwento kwento, o mahilig akong makipagkwentuhan sa matatanda, yung mga eksperiyensado na sa buhay. Mas gusto kong makinig sa lovelife ng iba. Kesa pagkwentuhan ang sarili kong lovelife. Minsan, hinuhugot ko ang mga advice nila sa akin para mai-share sa inyo. 

Random Fact #4: Ang Awkward. Tama na, Di talaga ako sanaya pag-usapan yung mga ganito. -The End-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento