Actually, alam naman natin na sobrang dami na ang nabubuong love affair over the net. Una, kasi nga sikat at uso ang internet, hindi mo kailangang mag-ayos para masiguradong okay ang magiging itsura mo.. kumbaga hindi mo na kailangan pang intindihin kung ano ba ang magiging hulma ng expresyon mo.Pangalawa, napakadaling magsinungaling, madalas nga nakakapag two-time pa kasi nga naman daw “hindi naman malalaman”. At Pangatlo, kahit aminin man o hindi, “for kilig purposes” lang kung minsan.
May mga taong nabubuo ang relasyon online pero nagtatagumpay naman. Sila yung mga lovers na tinawid ang daga’t lupa makarating lang sa kinaroroonan ng kanilang minamahal. Hindi nila ininda ang kahit anumang dahilan para lang maiparamdam ang kanilang presensya sa taong iniibig nila.
Oo, napakaimportanteng elemento ng presence sa isang relasyon. Minsan kasi mas nalalaman mo sa sarili mo na totoo nga ang pagmamahalan niyo at hindi lang isang lokohan o online love story na kailangang magkaroon ng ending sa huli. Tandaan niyo na ibang iba ang nagiging tingin o resulta ng isang bagay kapag ito ay ginawa ng Personal.
Sana naman, gamitin lang natin ang internet bilang bridge of communication at hindi para maging daan para maipakita mo ang pagmamahal niyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento