Lunes, Hunyo 27, 2011

Pangit.

Bago ka maglabas ng ganitong statement sa kahit sino. Kung pangit siya, ang ibig sabihin hindi siya maganda. 
Eh ano ba ang ibig sabihin ng maganda? Kapag maganda ba:
  • Matangos ang ilong? Eh bakit may mga model at artistang kahit hindi katangusan ang ilong ay maganda pa rin. 
  • Maputi? Eh bakit si Tyra Banks, Venus Raj o ibang mga di kaputiang artista ay magaganda pa rin. Bakit yung ibang mapuputi at nagpapaitim pa rin o nagpapa tan pa. 
  • Maganda ang ngipin? Eh bakit yung ibang kahit maayos ang ngipin ay nagpapa retainers o braces pa rin? 
  • Matangkad? Eh bakit halos karamihan ng mga Filipino artist ay hindi naman katangkaran? 
  • Payat? Eh bakit may mga artistang kahit tumatalbong ang katabaan eh, namumukadkad pa rin ang kagandahan.
Ayan, bago niyo sabihan ang isang tao ng pangit, isipin niyo muna iyan. Kasi hindi lang ikaw ang nakakita sa kanya at hindi lahat ng tao pare parehas ang pananaw sa salitang “maganda”.
Tandaan niyo “Beauty is in the eye of the Beholder.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento